AS children
growing up in San Juan in the 60's, little (and precariously naughty) boys like
us had to be inventive and creative about the games we played. AM radio was our
constant companion then (my Nanay always listened to it blasting standard ditties
by Sinatra, Mathis, Como, Cole, et. al.), black and white television was just
being introduced (although it was officially launched in the 50's with very
limited shows) and everyone was ecstatic about it. Just like when cellphones
were introduced in the market. Playing records also kept us preoccupied.
"Wala pa nung Internet," sabi nga ni Raymund M.
That's me (foreground, second from right)! |
All of my
siblings studied at Pedro Cruz Elementary School, a stone's throw away from our
house in Lope K. Santos. Katabi lang namin ito. It had a big open field peppered
with trees at the back where we tended our vegetable gardens required in our Home Economics class. This was also our (together with my playmates) playground. I spent
most of my childhood days playing the games below with my friends there. Hindi
matatawaran ang masasayang araw namin doon. Yun bang tuwing uuwi ako eh
palaging basang-basa ng pawis ang maduming t-shirt ko at nangangamoy araw pa
ako. Pagod pero sobrang happy.
Mabibili pa
rin ang iba sa mga sinaunang laruang binanggit ko sa ibaba sa kasalukuyan kung
matiyaga ka lamang maghanap (sa Divisoria syempre at sa mga tindahan ng laruan sa kahit saang
palengke).
Photo credit: Aha! GMA7 |
Saranggola ni Eric
An
elementary classmate of mine -- his name was Isagani Cruz, Jr. (heard he passed
on) -- lives in a multi-level house that boasts of a penthouse perfect for
kite-flying. Doon kami nagpapalipad ng saranggola pag wala kaming pasok.
Hindi ko
makakalimutan nuong magpalipad ako ng boka-boka (mga grade 2 or 3 ako nuon) na
gawa sa tiniklop na pad paper at binaling walis tingting na pangsuporta. Larga
lang kami nang larga hanggang maubusan na kami ng tali at hindi na namin ito
matanaw. Nuong ibinaba nga namin...nagulat kami dahil nabasa nang bahagya ang
papel. Dahil siguro umabot ito sa ulap o di kaya'y nahamugan. Kapag bata ka pa
kasi, hindi mo pa naiintindihan ang mga bagay-bagay dito sa mundo...
Natutunan
din namin ng sinundan kong kapatid na si Raul kung paano maglagay ng bubog sa
tali ng saranggola. Iyon kasi ang ginagawa ng mga binatilyo sa amin. Kadalasan
pa ngang malaki ang ipinupusta nila sa kung sino ang unang makapagpapaentang
(makapagpapabagsak) sa kalaban. Mas nagiging exciting kasi ang pagpapalipad
kung may pustahan. Nanonood pa kami sa kalye kapag may laban sila.
Una ay
didikdikin namin nang pinung-pino ang pundidong flourescent sa lata habang
niluluto ang hardened paste (para itong puting bato) para ito maging likido.
Sunod ay ihahalo namin ang pulbos na bubog sa malagkit na likido. Kailangang
magandang klaseng puting sinulid ang gamit para mahirap itong maputol.
Ilulubog na
namin ang rolyo ng sinulid sa lata ng bubog at maingat naming ipupulupot ang
nilargang tali sa magkabilang puno. Pag tuyo na, pwede na itong irolyo pabalik
sa lata.
Photo credit: dreamstime.com |
Holen in the Hole
Naglaro rin
kami nito nuong maliliit pa kami. Humuhukay kami ng tatlong magkakasunod na
mabababaw at maliliit na butas sa lupa. Isu-shoot namin ang pamatong holen
duon. Kung sinuman ang maunang makabalik ay siya ang panalo. Depende sa usapan
kung ilang holen ang gusto niyong itaya.
Marbles of
different colors are available in neighborhood sari-sari stores. Meron nga pala
kaming tindahan na nakatulong din ng malaki sa amin. Malakas ang benta namin
dahil pinuputakte kami ng mga estudyante tuwing recess.
Kami-kaming magkakapatid
ang salitang nagbabantay dito. Remember that our father passed on when we were
still young. Mother, who also left us just recently, raised us (her 6 children) all
by her lonesome.
Nilalagay
ko lahat ng holen ko sa plastic na garapon. Tuwing makakakita ako ng
pambihirang kulay sa tindahan namin, tinatago ko ito duon at hindi ipinanlalaban.
Syempre pang ayaw mong mabasag ang paborito mong dyolens. Collector's item nga,
di ba?
Gumuguhit kami ng malaking bilog sa lupa gamit ang putol na tangkay ng puno at
ilalaglag namin ang tiglilimang holen doon. Kung apat kayo, saktong beinte piraso
ang holen. Kung asintado ka at kaya mong tamaan ang mga holen at tumalsik ang mga ito
sa labas...sa 'yo na yon. Hangga't kada tira mo ay nakakapagpatalsik ka ng
holen, tuluy-tuloy ka lang. Titigil ka sa pagtira kung hindi mo na tinatamaan
ang holen sa bilog. Kapag nakapagpalabas ka ng holen at naiwan sa loob ang pato
mo, rest ka muna. Yung susunod na kalaban na ang titira...
Photo credit: pinoyexchange.com |
Trumpong Tuliro
Ito yung
kahoy na kinorteng parang makopang tambis na may pako sa gitna. Ipapalupot mo
ang tsate (makapal at mahabang puting tali) na may tansan sa dulo sa kabuuan ng
trumpo. Kapag inihagis mo ito, sabay haltak nang malakas sa tali, iikot nang
kusa ang trumpo. Iipitin mo sa gitna ng dalawang daliri ang pinitpit na
tansan...breaker o stopper ito ng tsate, kumbaga.
I had the
luxury of choosing the best spinning tops because we used to sell this, too.
Namimili talaga ako ng pinakamaganda...
Kapag
natamaan mo ang trumpo ng kalaban, tatalian mo ito sa pako gamit ang tsate.
Ilulubog mo nang bahagya sa lupa ang trumpo mong nakausli ang pako. Ihahataw mo nang
malakas ang tinaliang trumpo ng kalaban sa kadalasang minamartilyo at hinahasa
pang pako upang madali itong bumaon o makabiyak. Brutal ang larong ito na may
pagkamasokista pa. Madalas pa ngang tampulan ng panlalait at katatawanan ang
gutay-gutay na trumpo.
Delikado
rin ang larong ito dahil pwede kang matusok ng pako sa mata o sa braso anytime,
o di kaya ay sa hita. Madalas ngang may pasa ako sa kamay pag natatalbugan ako
habang pinapalo ko ang trumpong nakatali sa isa pang trumpo...
Photo credit: pinterest.com |
Teks Teks na Lang
Ito yung
gawa sa makapal at matigas na karton na ang harapan ay colored drawing ng
Superman, Batman & Robin, atbp. na halaw sa imported comics. 3x2 ang
kadalasang laki nito at mabibili sa lahat ng suking tindahan (ours
included) na may libre pang bubblegum.
Madalas
kaming magkasama ni Raul (alalay ako at tagakabig ng taya ng natatalong
kalaban) kapag may naghahamong bata sa amin. Bale tatlo ang teks -- tig-isa
kayo ng kalaban ng pamato at panabla ang pangatlo. Dapat ay nakataob o
nakatihaya ang dalawang teks at iyung sa iyo ang nakasalungat dito para manalo
ka. Depende sa kung gaano kakapal ang gusto mong itaya (madalas ay may dagdag
pang barya). Palagi kaming nananalong mag-utol at madalas na napupuno ang
taguan naming shoebox. Ibinibenta namin yung iba...
Photo credit: pinterest.com |
Goma
Naglaro din
ako nito nuon. Pinagsasama-sama ko ang magkakaparehong kulay, at kada sampu ay
itinitirintas ko ito hanggang humaba na parang buhok ni Rapunzel. Wala naman
akong maalalang larong ito ang gamit...except yung hinihipan sa ibabaw ng mesa
ang gomang pato at pag pumatong ito sa goma ng kalaban, win ka na...dahil hindi
naman ito talagang laruan. Ginagamit ito sa opisina, paaralan at sa
bahay. Being inventive doesn't hurt, right?
Photo credit: pinterest.com |
Sumpit ng Bulilit na Makulit
Para itong
straw ng softdrinks, pero gawa sa yero. Monggo ang binabala namin dito na
nakalagay pa sa kaha ng posporong nakatali ng goma sa mismong sumpit para
mabilis ang reloading. Bale nagsisilbing hawakan din ang kaha ng
posporo...pang-asinta baga.
Looking
back...ngayon ko lang naisip na delikado pala ang paglalaro nito. Anytime eh
pwede kang madapa habang nasa bibig mo ito at tumusok sa lalamunan mo. Hindi ko
ito inirerekomenda (kung meron pa nito) sa mga bata ngayon...Mag-FB, YouTube,
Spotify, Twitter, Instagram o online gaming na lang kayo. Safe pa.
Photo credit: Marcelo Santos III |
Plastic Balloon
Para sa mga
hindi nakakaalam, ito yung tinunaw na plastic na bibilugin at hihipan gamit ang
maigsi at matigas na putol na plastic straw hanggang makabuo ka ng lobo na
palulutangin mo sa ere habang tinatapik-tapik ito. Ganun kababaw. Pwede itong
laruin ng kapwa lalaki at babae (and others). Unisex game ito.
Photo credit: pinterest.com |
Sipa Dito, Sipa Doon
Mga
shredded plastic straw (yung panali) na binalumbon
at inipit sa pitsa na sinisipa paitaas nang paulit-ulit. Paramihan ng dami ng
sipa. Hindi ito carry ng powers ko. Hirap ako sa pagsipa. Coordination, balance
at motor skills ang kailangan dito.
Hindi Ko Alam Tawag Dito
Hindi ko
rin malilimutan ang paglalaro ko nito na gamit ang pinakamalaking pako na may
goma sa ulo at may nakataling 2 mahahabang pakpak o buntot ng lalaking manok sa kabila.
Hindi ko na maalala ang tawag dito...kung meron man. Binabalahan
namin ito ng pulbura -- yun bang pula ang harapan at magkakatabi ang nakaumbok
na pulbura -- at hinahagis namin ito pataas para pumutok sa pagbagsak sa sementadong kalsada. Law of
gravity...
Photo credit: pinterest.com |
Tirador
Naghahanap
ako ng letrang "Y" na sanga ng puno (guava wood is perfect for this).
Puputulin ko ito. Gugupitin ko ang balat ng lumang sapatos (yung sa may parteng
dila), at ang pinakaimportante sa lahat: ang gomang malapad. Kadalasang lata
ang pinagtitripan namin...minsan ay puno ng saging.
Photo credit: nolisoli.ph |
Mga Tansang Pangkaroling
Nag-iipon
ako ng mga tansan sa tindahan namin. Isa-isa kong tinatanggal (gamit ang pako)
ang nakaipit na tapon (cork) sa ilalim nito. Pupukpukin ko ng martilyo papaloob
ang gilid, at gamit ang pako at martilyo...magbubutas ako sa gitna nito.
Tutuhugin ko ng alambre ang mga pinitpit at binutasang tansan. Voila! Meron na
akong instant tambourine for Christmas carolling.
Taun-taon...isinasama
ko ang kapitbahay naming si Rey (mahusay siyang magdyolens), at nananapat kami
sa kung saan-saang bahay. Minsan malaki ang bigay...minsan maliit lang (hindi
mahalaga kung magkano)...pero palaging 50/50 ang partihan namin. Hating
kapatid. Nagagamit ko tuloy ang likas na hilig ko sa musika sa ganitong pagkakataon. Hmm...talking about
self-promotion again...
Photo credit: pinterest.com |
Tumbang Preso
Hindi mo
kailangang gumastos (hindi katulad ngayon na saksakan nang mahal ang mga
gadgets) sa larong ito. Basta may lata ka...ayos na ang lahat.
Babatuhin
mo lang ng tsinelas ang lata at kapag natamaan mo ito, tatakbo ka nang mabilis
patungo sa itinakdang base. Parang softball kasi ang larong ito. Marami rin ang
pwedeng sumali dito. Unlimited.
Photo credit: wsimag.com |
Spiderboys
Dinaanan
din naming magkapatid ang paglalaro nito. Nangunguha kami ng mga matatapang na
gagamba sa puno, sa nakabalumbong dahon, sa kawad ng kuryente. Iyong mga pula o
di kaya ay purong itim (pwede ring kulay kape na may disenyo pa sa puwitan) ang
mainam na panlaban dahil likas na mahuhusay (at masigasig) silang lumaban. Wild
eh. Yung mga gagambang bahay ay mga duwag at
kadalasang umaatras pa sa laban. Domesticated eh. Hehe...
Gamit ang
barbecue stick o di kaya'y walis tingting, paglalabanin namin ang dalawang
gagamba. Kung sino ang unang makapatay sa kalaban, yun ang panalo. Kapag
sinasaputan na ng nanalong gagamba ang kalaban...yun na. Ginugutom muna kasi
namin yung mapapalabang gagamba para mabangis siya. Syempre pang pag busog eh
tamad at mabagal yang kumilos.
Nilalagyan
namin ng ginunting na kaha ng sigarilyo ang bahay ng posporo. Dibisyon
yon...kanya-kanya sila ng dorm. Pag pinagsama mo kasi, rambol ang mangyayari.
Nirarasyunan namin ng patay na langaw (minsan ay sariwang dahon) ang bawat
partisyon...food supply nila. Pero dahil in captivity, hindi rin gaanong
tumatagal ang buhay nila. Maaga silang namamatay. Nagluluksa pa nga kami at
kuntodo prosisyon pa bago namin sila ihatid sa huling hantungan.
Patintero sa Kalye
Pwedeng
group of 5 or more ang kasali. Mga guhit
lang sa kalsada ang katapat nito at pwede na kayong maglaro. Kada linya ay may
nagbabantay na kalaban. Kapag tumawid ka nang alanganin at nahagip ka...talo na
ang grupo niyo. Dapat kasing makarating ang isa sa inyo sa dulo at pabalik para
manalo.
Tumpak ang Sumpak
Bago pa
sumapit ang piyesta ng San Juan tuwing June 24, makakabili ka na ng sumpak na
gawa sa maliit na kawayan sa palengke. Dapat ay testingin mo muna ito kung
walang depekto at malakas humigop at bumuga ng tubig. Isinasawsaw sa malaking
lata o baldeng may tubig ang nguso nito sabay batak sa hawakan para masipsip
ang tubig.
Legal
kasing mambasa ng mga dumadaan sa kalye -- mapatao man o sasakyan -- tuwing
piyesta sa San Juan. Kapag kulimlim at tipong uulan, malungkot kami dahil
mauunsyami ang kinagisnang masayang ritwal taun-taon. Once a year lang kasi ito
idinadaos...
Photo credit: breeze.com.ph |
Piko
Ito yung
ihahagis mo ang pamatong bato sa loob ng kuwadradong linya at patalun-talon
kang nakataas ang isang paa (parang one-legged kangaroo) na palipat-lipat sa iba
pang kuwadrado hanggang mapuntahan mo ang pamato mo. Pwede namang ibaba na ang
paa kapag nakapasok ka na sa square. Kung sino ang unang makarating sa dulo,
siya ang panalo.
Photo credit: britannica.com |
Photo credit: pinterest.com |
Photo credit: pinterest.com |
Atbp.
Ang
jackstone, taguan, luksong tinik, pick-up-the-sticks, sungka, pitik-bulag,
skipping rope, hulahoop at yo-yo ay ilan lamang sa mga dapat naisama sa listahang ito.
Bahagi rin sila ng kinalakihan kong mga laro na nakapagbigay din sa akin ng di
matatawarang karanasan...
In
closing...
The games
we used to play contributed immensely to my development as a well-balanced kid
leading to where I am now. I will never trade my happy childhood with that of the
tech-savvy children's nowadays who spend most of their time focused on their
gadgets within the confines of their rooms. Worlds apart ang dalawang
henerasyon...
Oh my, this brings back so many memories! Thanks for making me smile!
ReplyDeleteThe Lolo Still Rocks: Games We Used To Play >>>>> Download Now
Delete>>>>> Download Full
The Lolo Still Rocks: Games We Used To Play >>>>> Download LINK
>>>>> Download Now
The Lolo Still Rocks: Games We Used To Play >>>>> Download Full
>>>>> Download LINK QF
Mas may physical activity ang mga laro natin noon. Ngayon, nakakulong sa bahay o minsan sa computer shops at magastos.
ReplyDeleteKorak ka diyan! Tinamad nang lumabas at maglaro ang mga bata ngayon dahil sa internet. Tsk tsk...
DeleteNangamoy pawis bigla ang suot kong t-shirt. Salamat sa pagbabalik tanaw. Those were definitely some of the best and most menorable times of my life.
ReplyDeletewow flashback ng mga childhood memories, laging puti ang suot na tshirt sa laro at uuwi ng kulay gray na ito dahil nanlilimahid sa dumi at libag galing sa laro, amoy pawis at araw, hindi uuwi hangga't hindi pinapauwi, madalas galit pa ako dahil bitin sa laro, never knew how to play well the "pasi" (trumpo) as we call it in pampanga, too cautious of the pako. nilaro ko lahat yan nabanggit dito sa blog, pero the best ako sa "Shato" , we call it Shotu. I think this game was not mentioned here.
ReplyDeleteHindi ko na inabutan yang shato.
DeleteSayang...
Yes, sir! Pinaglalaruan din namin yan sa Pampanga nung bata pa kami. Enjoy na enjoy noon! Thanks for sharing!
ReplyDeleteNice blog entry Sir Eric. Enjoyed these games too when I was young. Brings back a lot of happy times indeed! Thanks a lot sir...
ReplyDeleteAvery nice blog of childhood memories nakakatuwang isipin ang naranasan mong kabatan na aking din na napaglaruan ngunit ang di ko malilimutan ay ang painumin ako ng nilagang teks ng nanay ko dahil sa papasok ako sa school ay nag lalaro pa din ako at ayaw pang umuwi kaya sa galit ng nanay ko ay pinakuluan nya yung mga teks ko at akoy pina inom .inom naman ako kesa mapalo laki ng hawak na pamalo e .salamat sa mga alaala ng kapanahunan natin .
ReplyDeleteHehe... ano lasa ng nilagang teks?
DeleteNapakasaya natin nuon. Na-refresh ako, Sir Eric, sa blog mo. Totoong-totoo, as if kalaro kita mismo sa mga panahong iyon. Salamat, sir, sa mga ginintuang alaala. Mabuhay po kayo!
ReplyDeleteI just read this awesome throwback/look back/retro article of our youth. Am truly speechless, never knew you could write, Sir Eric. Always be safe now...
ReplyDeleteThose were the days my friends, buti p nung bata mas masaya maglaro s labas
ReplyDeleteThe Lolo Still Rocks: Games We Used To Play >>>>> Download Now
ReplyDelete>>>>> Download Full
The Lolo Still Rocks: Games We Used To Play >>>>> Download LINK
>>>>> Download Now
The Lolo Still Rocks: Games We Used To Play >>>>> Download Full
>>>>> Download LINK
Binago ng internet ang lahat-lahat sa atin. Simple pero napakasaya kasi natin nuon kumpara sa mga bata ngayon, di po ba?
ReplyDeleteTnx a lot po Sir Eric...
ReplyDeleteThe kids these days are truly missing a lot…
ReplyDeleteSana me bagobng entries sa blog Sir Eric. Nakakaaliw kasi po...
ReplyDeleteMaraming salamat sa kaklaseng Myrna para sa class photo...
ReplyDeleteLearned a lot about your childhood days, Sir Eric. Thanks a lot for this...
ReplyDelete