👉This is a post from Sylvia Mayuga's FB page which I follow for all its brilliant wit and candor -- as expected because it is authored by one of Philippines' finest penpushers. Having triumphantly survived (again) another weekly dose of human chaos, I am sharing this good, light, unadulterated Sunday read.
But what is Sunday without the Pinoy's incredible lightness of being? Today it's courtesy of Joel Pablo Salud:
Sagot sa tanong ni Gustav Lukacs: Pano powz ma-impress ang ka-date sa first date?
Madali lang ‘yan. Unang-una, i-assure mo agad ang ka-date mo na wala ka pang anak sa iba. Pusa man o tao o crossbreed, dapat wala. Marami agad ma-iimpress sayo niyan. Mahirap na sa panahon ngayon, lalo na pag ang condom at pills (hindi Dulcolax) eh Made in People’s Republic of China. Pero kung meron naman, aminin agad para walang secrets. Malay mo... mahilig pala siya sa kids.
Second, walang masamang umamin na KKB (kanya-kanyang bayad) yung date niyo. Nakaka-impress talaga ‘yan. Walang pagkukunwari. Walang pagpapanggap na may walta ka kahit olats naman. Dapat laging sincere kahit sincerely poor. Basta sincere. Tunay. Busilak ang damdamin.
Umaraw man, bumagyo o lumindol, dapat tuloy ang date. Susuungin mo dapat lahat ng hahadlang sayo—istriktong magulang, baha, deadline, leptospirosis o riding-in-tandem. Dapat nandoon ka na sa venue bago pa dumating ang iyong ka-date. Maaga ka, mabango, malinis ang kuko, at siguraduhing walang tinga ang ngipin. Baka akalain niya, kumain ka na bago pa siya naka-order.
At kung iimbitahin mo siya sa lugar na medyo sosi at mahal, katulad ng mga Italian restaurants, please, wag ka naman umorder ng ginisang monggo at danggit. Alam ko masarap yun pero pigilin dapat ang sarili. Pwede naman Pansotti alla genovese o Cannelloni al ragù, basta ‘wag yung may sobrang dami ng ampalaya o bagoong.
Most importantly, ‘wag na ‘wag mo i-open ang Facebook o Twitter account mo habang may ka-date ka. Pag nagsalita siya pagtapos kumain, dapat pakinggan mo. Bawat salita, bawat bigkas ng letra. Kahit may naipit na dahon ng sili sa gitnang ngipin niya, ‘wag kang tatawa. ‘Wag mo na lang pansinin. Pag pumayag naman siya na mag-kiss kayo after the date, mawawala rin ‘yun. Pwedeng malipat sayo, pero okay lang. Always listen to the one talking. Pag-shinare niya buhay niya o yung tungkol sa kanyang ex, sige lang, tiwala lang sa sarili. Makakalimutan niya rin yung ungas na yun pag nagpatawa ka na.
A note on being funny: ‘Wag OA. Yung sakto lang. Kahit corny, k lang ‘yan. ‘Wag sexist, racist o dehumanizing jokes unless sarili mo lang yung pinagtatawanan niyo. At para lalo siyang ma-impress sa’yo habang nagsasalita siya ay nakatitig ka sa kanyang mga mata. Diretsong titig na parang nakikita mo na ang kanyang kalooblooban. Parang wala na siyang maisisikreto pa sayo. Minsan, tingin pa lang, tapos na ang boksing.
Pag may chaperone na kasama, aba patawanin mo rin yung chaperone. Malay mo, baka kayo noong chaperone ang magkatuluyan.
Pag gusto ng ka-date mong magbayad ng bill, hayaan mo lang, basta hati kayo. Hating kapatid. Hating better-half ang dating. Yung iba diyan, dahil sinabing yung isa ang magbabayad, payag agad. Kapalmuks niyo, ha.
Ihatid sa bahay ang ka-date. ‘Wag niyo paglakarin sa buong EDSA dahil feeling People Power ka noong araw na ‘yun. Mag-MRT o Grab man lang. Iwasan muna ang di-padyak. Pag sinagot ka na, baka pwedeng makalusot ka sa paminsan-minsang di-padyak. Sabihin mo na lang na kontribusyon mo yun sa paglaban sa climate change.
Sa madaling salita, hindi naman talaga kailangang i-impress ang ka-date sa first date. Rule of thumb is: just be yourself. ‘Wag mahiya. Self-confidence goes a long way to getting a positive response.
Ngayon, kung yung ka-date mo eh hindi mapigilan ang sariling ikwento sayo ang crush niyang si Panelo, iwan mo sa upuan niya! Block mo pagtapos, tang’amang ‘yan. Tapos magbasa ka na lang ng chain letters sa PM mo. Masaya pa ‘yun.

No comments:
Post a Comment