Friday, June 21, 2019

ON BANDS AND BARS


by CJ SANTANA

SAYANG NAMAN, HALA, BAKIT? WHAT HAPPENED? Mga katagang nababasa at naririnig mo kung bakit nagsasara ang isang bar. Minsan hindi ko alam kung totoo bang nagtatanong, nakikisimpatya o nagmamaang-maangan na lang...

Marami nang bar ang nagsara at nawala, @Checkpoint, Bside, Revamp, Selda Dos, Verdandi, Chrome Box, Tremolo, Zili, etc... lahat sila pare-parehas sumusuporta sa industriya ng independent music... Mga tinuring tahanan ng mga pasibol at batikan na musikero... 

Pero ang tanong: tinuring ba natin talagang tahanan sila? Pinagpahalagahan ba natin sila? Malamang maraming magsasabing uu... Ang tanong ko sa inyo, paano nyo tinuring na tahanan sila? Paano nyo sila pinangalagaan? Prinotektahan? Yan ang malalaking tanong...
Babalikan ko ang dekada Nobenta. Ang isang banda bago makatugtog ng Club Dredd, Mayrics, Yosh Cafe at iba pang promintenteng naging tahanan ng Pinoy Rock. Sila ay nagbebenta ng MGA BOOKLET ng TICKET para lang makasampa at makatugtog sa entablado. Pag hindi naubos ang mga booklet, pacencyahan na lang tayo… hindi kayo makakatugtog. Isa din yan sa mga dahilan kung bakit nagtagal sila, mas nakilala at dumami ang parokyano nila.

Sa panahon natin, napakaswerte nating hindi tayo inuubliga ng mga bar or production na magbenta ng ticket. Ang mga banda, nakakatugtog kahit walang guest, kahit hindi umoorder ng beer at pagkain... 

SWERTE NGA BA TALAGA TAYO? 
Hahaha! Uu, swerte dahil walang obligasyon ang banda sa bar at prod... Pero ang bar ang kawawa sa obligasyon. Obligasyon sa tauhan, staff, operations, daily expenses like rent, kuryente, gamit at kung ano2 pa. At lahat ng venues kailangan kumita para tustusan ang mga gastusin para ipagpatuloy ang suportang pinangako nya sa mga musikero.
KUMIKITA BA SILA? Ano sa tingin nyo?

REAL TALK LANG TAYO!
Magpapa-line up ang 12 banda para sa isang gabing gig… Iilan lang jan ang oorder ng beer, pagkaen at kung ano2 pa. Ang iba, sisimple pa ng kain sa ibang lugar at magpupuslit ng inumin na binili sa tindahan. Nandun na tayo, ang iba ay mahal magbenta ng pagkaen at inumin, pero nman, mga tol... Nagpa-line up kayo, tapos hindi nyo paghahandaan?! Nakakahiya nman sa bar na nagbigay ng entablado sa inyo at nagbigay oportunidad na ipahayag ang mga obra nyo… Ang iba pa, tugtog uwi… Ang iba, pagkatapos sumalang, lalayasan na ang prod at bar… keso ganun, keso ganyan. KANYA-KANYANG DAHILAN... AY SUS! Nagpa-line up ka, pero asan suporta mo? Sa banda mo lang? Sa sarili mo lang?! Mag-ibimbita ka nman ng mga kaibigan mo at kamag-anak mo!... Para saan ba ang musika mo kung hindi mo din ipapadinig sa mga taong malapit sa ‘yo... 


Sa mga kapwa production, saludo ako sa pagtulong sa mga banda na mabigyan ng pagkakataon na maipamahagi ang musika. Pero sana naman, pangalagaan din natin ang mga venues na tahanan ng indie. Bigyan natin ng magandang tugtugan. Bigyan natin ng magandang show. Hindi yung makapagpatugtog lang tayo at mag-line up ng mga banda. Pag-isipan natin ang mga events na gagawin natin. I-consider natin if tatauhin at dadayuhin ba ang bar. Naiintindihan nman na hindi araw2 Pasko. May mga pagkakataon na kahit anong preparasyon mo, talagang olats tayo! Pero at least pinilit natin na maging maganda ang event. Pinilit nating tauhin at mabigyan ng maayos na kita ang bar. 

WAG TAYONG MAGING POSER! Wag tayong magpanggap ng suporta. Ang suporta, ginagawa lalo na’t wala tayong maaasahan kung hindi mga kapatid natin sa indie. HINDI LIP SERVICE ang kailangan ng indie community, kung hindi ACTION TALAGA. 

Ang dami nang banda, ang daming prod... Saan tayo magtutugtugan?! Sa kalsada na lang ba? Paano natin ikakalat ang musika natin kung wala na tayong mapagtatanghalan?

Matagal na itong problema sa indie music scene. Kailan pa kaya tayo magigising? Wag naman natin paabutin na halos wala na tayong matugtugan at maituturing na tahanan ng ating musika. 

IPAKITA natin ang talagang suportang kailangan ng mga bars at venues. In return, nasa likod natin sila hangang sa huli...







CJ SANTANA is a creator at Bandista Productions and a Human Resource Officer at Kynd. She rants on FB about bands and bars and the painful realities that weave through their existence and, sadly, even their demise. CJ speaks her mind and kicks ass to call for support to keep indie music alive and playing.


3 comments:

  1. Thank you so much sir Eric. More power sa iyo and sa The Lolo still Rocks. Para sa musika... Mabuhay tayong lahat!

    ReplyDelete
  2. Sorry pero ang unfair sa banda kung sila ang sinisisi lagi kung bakit nagsasara ang mga bar. Ang banda dapat nagsusulat ng magagandang kanta i-record at iparinig sa tao. Hindi nila pangunahing trabaho ang magbenta ng ticket sa gig nila at pag di nabenta ay di na sila makakatugtog. Sa panahon ngayon na napakaraming banda ang nagsulputan sinong bibili ng ticket sa gig ng isang bandang nagsisimula palang? Ipagkakait pa ba natin sa kanila ang pagkakataon na iparinig ang mga nagawang obra nila dahil di lang sila nakabenta ng ticket?

    Oo masaya ang 90s lalo na ang time mg Club Dredd dahil maraming banda ang sumikat dun. Pero hindi na natin dapat pang gayahin o ihalintulad ang ginawa nila sa ngayon. Ang music ngayon ang parang fast food nalang. Kung gusto mong makinig ng music ngayon nanjan ang Youtube, Spotify at kung ano ano pang mga apps or sites na pwede mong puntahan para mapakinggan ang bandang gusto mo hindi tulad dati na kelangan mong bumili ng physical copy nila o pumunta sa gigs para lang mapakinggan sila.

    Sa productions ng gig, isa lang nakikita kong solusyon jan. Bawat event nio at mag liline up kayo ng 12 bands sana man lang mag sama kayo ng 1 or 2 kilala ng banda ng sa ganon ay magkaroon kayo ng guests bukod sa mga banda at mga dala nilang tao. Kahit yung mga sikat na banda nalang bayaran nio. Isang malaking pagkakataon na sa mga bagong banda ngayon ang makasama nila mga iniidolo nilang banda na sikat na at mas masaya pa ang gabi ng tugtugan para sa lahat.

    Maraming salamat po!

    -Omega

    ReplyDelete
  3. Hi Omega!
    Thank you for sharing your take on CJ's thoughts.
    Points well-taken.

    :)Rakenrol!

    ReplyDelete